Ang Lolo ko.
November 5, 2009Ang lolo ko ay si Andres Javier, kaya Andres kasi birthday nya Nov. 30. Bonifacio day, kaya Andres name ni lolo, hehe. First time ko magpopost ng tungkol sa pinakmamahal kong lolo, kahit di kame ganon ka close, mahal na mahal ko ang lolo ko. ^.^
Amg lolo ko, laging kakampi namen ng mommy ko, kahit na minsan may di pagkakaintindihan, mahal na mahal namin ng mommy ko si lolo. Matagal tagal din naghirap ang lolo ko sa sakit na emphysema, prostate na hindi naman cancerous saka asthma. Almost 5 years, pero ngayong taon na to, pinakanahirapan sya, hanggang sa naging bed ridden na sya. Ang payat payat ng lolo ko, naiiyak ako pag nakikita ko syang nahihirapan, noon mejo naiinis pako sakanya nung mejo malakas pa sya kasi halos isang araw lang tumatagal ang malaking tangke ng oxygen sakanya tapos ubos na, bibili na naman ng panibago. Pero mahal na mahal ko ang lolo ko, hehe.
Ang lolo ko ay pumanaw nung Oct. 30, 2009 ng madaling araw, mga 12:30am siguro yun, online pa nga ako eh, tapos sabi ko sa kachat ko na boypren ko, magoout nako kasi dinadalaw na naman ako ng takot. Yun na pala yun, sakto pag patay ko ng pc, lumabas ang mommy at tito ko at pumunta sa kwarto ni lolo, ayun na nga, wala na sya. T-T
Di ko lam kung anong magiging reaction ko, syempre malungkot, syempre umiyak, basta mixed emotions. Ang hirap pala, kahit na pinagdadasal ko kay Bro na sya na bahala sa lolo ko at handa na kame kung kunin man sya, iba paren pala pag wala na ang lolo.
Namatay si lolo habang natutulog, labo no? Basta yun na, may luha luha pa mata nya, T-T Binantayan namen sya ng tito ko habang pumunta sila mommy sa punerarya. Hindi namen tinakluban ng kumot ang muka ni lolo, para lang syang tulog, peaceful nga eh, hehe.
Oct.30, 8am, nagpunta nakame sa Chapel para pagdating ni lolo andon lahat kame, iba talaga ang pakiramdam pag nakita mo na ang mahal mo ay nasa kabaong na. Syempre iyakan na naman, syempre ako ayako namang makiita nilang umiyak ako kaya lumabas munaq ko at pumunta sa isang sulok at dun umiyak, hehe.
Hindi pwede ilibing ang lolo ng nov 1 and 2 kay Nov. 3 sya inilibing, birthday pa ni lola, ang asawa ni lolo. Tamang tama magkasama na sila. Noong nasa Simbahan na kame at binabasbasan na ng Paro si lolo, tapos binasbasan na ni mommy at ng mga kamaganak namen, hindi ko na napigilan umiyak ng sobra, haha. Si mommy kasi, iyak ng iyak, ayan tuloy. Pero nung ililibing na si lolo, lahat kame ok na. ^.^
Nakakapanibago parin ngayon dito sa bahay, pero syempre kaya namen to, haha. Basta lolo, wag lang kayong magpaparamdam at alam nyo namang duwag ako, haha. ^___^ v
Advance Happy 84th Birthday lolo! Mamimiss ka namin at Mahal na mahal ka namin! ^__^
Previous Comments
sometimes, losing someone makes you realize how important that someone is.
@tin: kaya naten to!
@anonymous: True
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








:’( nakaka relate ako. ui condolence ah.
Posted by tin at November 5, 2009, 3:30 pm